Araw ni Papa.

Ang PAPA namin…

… ay ubod ng KULIT.

… ay MALAKAS ang BOSES dahil medyo bingi ang kaliwang tenga niya.

… ay may kakambal na babae. (na medyo bulag naman ang kaliwang mata – acquired nung pagka-panganak nila)

… ay masipag mag-hanap buhay. 

… ay mahilig KUMAIN, lalo na ng lechon.

… ay MATIGAS ang ULO dahil laging may RASON kapag sinasabihan namin na huminay-hinay sa pagkain ng lechon kawali at chicharon.

… ay mahilig mag-sabi ng JOKES na PAULIT-ULIT… PAULIT-ULIT… PAULIT-ULIT…

… ay mas sanay sa wikang TAGALOG at KAPAMPANGAN.. Minsan lang  siya mag-INGLES. Buti na lang, magaling mag-english ang ASAWA niya. Hindi sila nawawala kapag naga-abroad sila… Pero nawala na sila dati pero TUWANG-TUWA ang MAG-ASAWA nung maligaw sila sa RED LIGHT DISTRICT ng AMSTERDAM.

… ang unang tanong niya kapag labas namin ng bahay or hotel (kapag nasa abroad kami) ay “SAAN TAYO KAKAIN?”

… ay laging hinahalikan ang NANAY ko kapag alis niya ng bahay at kapag uwi din niya. LIPS to LIPS lagi.

… ay minsan MADRAMA. :D

… ay laging dumadating kapag nasisiraan ako ng kotse nung ako ay gumi-gimik nung college. KAHIT MADALING ARAW NA at may PASOK pa siya kinabukasan.

… ay lagi kaming pinapagalitan kapag may nanliligaw sa aming mga anak niyang babae nung nag-aaral pa kami.

… ay hindi mahilig mag-basa. KAHIT INSTRUCTION MANUAL ng APPLIANCE – HINDI NIYA BINABASA… Kaya minsan – SIRA ang bagong biling relo/ blender/ etc…

… ay laging may “AH! AH! AH!” sa huli ng mga statements niya… Halimbawa : “Gigi, tawagan mo nga si (kung sino man), AH?!” Kapag hindi ka sumagot ng OO or malamang hindi ka niya narinig, magsasabi siya ng “AH?!” hangga’t marinig na niya na UM-OO ka.

… ay MAHAL na MAHAL namin at MAHAL din niya kaming LAHAT. :D

2 Responses to Araw ni Papa.
  1. ever
    June 22, 2009 | 6:35 am

    sweet naman! happy tatays days sa iyong ama..

  2. Mommy J
    June 23, 2009 | 2:20 am

    Happy Father’s Day sa inyong Papa. Ako ya inggit na inggit kasi wala na si Tatang ko para ma greet ko ng Father’s Day…but I know he’s happy where he is.

    Katulad ng Papa mo, isang tawag ko lang takbo agad ang tatang ko.

    Anyway, napadaan lang…

    Mommy J

Leave a Reply

Wanting to leave an <em>phasis on your comment?

Before you post, please prove you are sentient.

What is frozen water?

Trackback URL http://www.embracingeveryday.net/2009/06/21/araw-ni-papa/trackback/